Abante Tonite Interactive

Lustestica, NHA swak sa Final 4

371

Mga laro sa Linggo
(Paco Arena, Maynila)
3:30 pm – NHA vs Agriculture
5 pm – PITC vs Judiciary

Humukay si Antonio Lustestica ng 18 points para patapakin na sa semifinals ang Natio­nal Housing Authority (NHA) pagkapabagsak sa Philippine International Trading Corporation (PITC), 77-74 nitong Linggo sa 8th UNTV Cup 2019-2020 quarterfinals sa Paco Arena sa Maynila.

May 3 rebounds at 1 steal pa ang player upang dalhin ang Benneth Pa­lad-mentored NHA Builders sa Final Four.

Nagbaon naman si Sherwin Silva ng 18 pts. para sa Department of Argriculture Food Masters at pabagsakin ang two-time champion Judiciary Magis, 71-68, para magkaparehas sila ng baraha sa 6-5.

Ang papangatlo pagkatapos ng single round robin ang mga lalaban sa DENR Warriors habang ang papang-apat ang tatapat sa defending champion AFP Cavaliers. (Aivan Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad