Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luto ni Jak kay Barbie binaboy

0 624

ROMMEL PLACENTE: Kaloka ang mga basher! Kapag may mga post silang hindi nagugustuhan lalo na ‘yung sa mga artista,talagang inookray nila .

Ilang beses na ngang na-bash sina Luis Manzano, Angelica Panganiban, Sharon Cuneta, Piolo Pascual at iba pa pero inaalmahan nila, di ba? Ngayon naman mga ka-Cuatros,si Jak Roberto ang nakatikim ng panlalait. Nang i-post niya ang niluto niyang steak para ibigay sa girlfriend niyang si Barbie Forteza bilang regalo sa pagdiriwang nila ng kanilang monthsary may isang nag comment ng hindi maganda,

Sabi nito mukha raw tae ‘yung steak na niluto ni Jack.Bastos di ba? Halatang papansin.Ewan ba sa mga basher at wala sila magawa kundi manira. Parang masaya pa sila sa ginagawa nila..Well,patulan kaya ni Jak ang kanyang basher?

RODEL FERNANDO: Actually, kung titingnan mo nga naman yung steak na niluto ni Jak ay hindi kagandahan talaga ang hitsura. Wala talagang effort pero hindi na importante iyun. Kung mahal mo kasi ang gumawa kahit chaka pa ‘yan ay maa-appreciate mo. For sure, sobra ang pagpapahalaga ni Barbie sa paghahandang ito ng boyfriend sa kanilang anniversary.

Alam nyo mga ka-Cuatros bilang ako ay mahilig magluto , minsan wala nakong pakialam kung ano itsura ng niluluto ko. Ang importante may lasa at masasarapan ang makakakain. Kung ang mga mahal ko sa buhay pinagluluto ko ay may espesyal na sangkap ito ay tinatawag na flavor of love. At ganoon din siyempre ang nasa isip at puso ni Jak habang niluluto ang steak . Hindi na importante sa totoo lang ang look. Ang mahalaga ay may napasaya kang tao. Yun lang!

MILDRED BACUD:Kung ilang beses na rin nagba-vlog si Jak kapag may espesyal na okasyon sila ng nobyang si Barbie.Paborito nilang kainin ang steak at mahilig din sila sa seafoods. Mismong si Jak pa ang pumupunta sa Farmers Market para mamili.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Walang okasyon na pinapalagpas nila at sini-celebrate talaga. Pero ang mga basher wala rin pinalagpas ha. Sa post ni Jak ng kanyang nilutong steak ay napintasan pa dahil daw sa itsurang dumi ito ng tao. Tinitigan ko naman ang picture at hindi ko naman naisip na kahawig ito sa dumi dahil itim naman siya at mas tapa ng baka ang tingin ko rito. Hindi lang talaga maganda ang presentation kasi hindi naman chef si Jak. Tama ka ka-Cuatros na Rodel, hindi naman importante ang hitsura.’Yung effort ng aktor ang mahalaga na mapagluto at mapasaya ang gf sa kanilang 47th monthsary.

ROLDAN CASTRO: Korek kayo mga friendship. Mapapalagpas mo na kung ano ang hitsura ng steak na niluto ni Jak. Nakakatuwa nga na ‘yung lalaki ang nagluluto sa dyowa, di ba?

Kung sino man ang walang urbanidad na basher na ‘yun, wag niyang babuyin ang luto ni Jak. ‘Wag din niyang ikumpara ito sa ebak lalo’t pagkain ‘yun. Magbigay siya ng respeto.

Marami namang puwedeng ipintas pero ‘wag naman sa nakakadiring tae.

Grabe siya, ha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.