Abante Tonite Interactive

Luzon uulanin dahil sa habagat

1,241

Patuloy pa ring makakaranas ng ­pabugso-bugso at malalakas na pag-ulan ang malawak na baha­gi ng bansa kahit tuluyan nang nakalabas ng Philippine area of responsibi­lity (PAR) ang bagyong ‘Domeng’ kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophy­sical and Astronomical Services Administration (Pagasa) weather specialist Nikos Peñaranda, partikular na makakaranas ng masungit na lagay ng panahon ang kanlurang bahagi ng bansa dahil pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat.

Kabilang din sa mga apektadong lugar ang Northern Palawan, Mindoro, Cavite, Batangas, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, La Union, Ilocos Provinces at Metro Manila.

Pinaalalaha­nan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa nabanggit na lugar na mag-­ingat sa posibleng landslide at pagbaha. Maa­aring makipag-ugnayan sa tanggapan ng ahensiya sa kanilang lugar kapag tumaas ang baha at kailanganin nilang ­lumikas.

Delikado pa ring puma­laot partikular sa mga karagatan sa Northern at Central Luzon, maging sa kanluran at timog na bahagi ng baybayin ng S. Luzon.