Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luzon, Visayas uulanin sa LPA

0 120

Naispatan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isang low pressure area (LPA) sa Palawan nitong Linggo at inaasahang maghahatid ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Batay sa 10AM weather bulletin ng Pagasa, ang LPA ay huling namataan sa 205 kilometro west northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa Pagasa, ang naturang weather disturbance ay maaaring maging isang tropical depression sa loob ng 36 na oras habang ito’y kumikilos pakanluran at papalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Linggo ng gabi at Lunes ng umaga.

SM food to go Banner Ad

“In the next 24 hours, moderate to heavy with at times intense rains are highly likely over Palawan, Aurora, Quezon, Camarines provinces and Catanduanes,” saad ng state weather bureau.

Inaasahan rin ang pagkakaroon ng magaan at katamtaman na may manaka-nakang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Eastern Visayas, Caraga at natitira pang bahagi ng Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region.

Sa ganitong kondisyon, sinabi ng Pagasa na posibleng magkaroon ng isolated at kalat-kalat na mga pagbaha, kabilang na ang mga flash flood at mga pagguho ng lupa na dulot ng mga pag-ulan, partikular na sa mga lugar na highly o very highly susceptible sa mga ganitong panganib. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.