Abante Tonite Interactive

Ma’am buwis-buhay sa 6 estudyante

By
19

Patay matapos malunod sa Masagana Falls sa Barangay Irawan sa Puerto Princesa City, Palawan ang 28-anyos na guro ng Sicsican National High School nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Khyme Hikilan, residente ng Barangay Sicsican sa Puerto Princesa City.

Ayon sa Irawan PNP, naliligo sa ilog ang anim na estudyante ng Sicsican National High School nang tangayin ng agos palayo sa falls, kung kaya’t tumalon si Hikilan at iniligtas ang mga estudyante.

Matapos niyang mailigtas ang mga estudyante bigla umano siyang tinangay ng agos at nawala.

Natagpuan nalang ang kanyang walang buhay na katawan ng mga rescuers matapos ang halos isang oras na paghahanap.