Abante Tonite Interactive

Maangas na female personality kinaiinisan sa taping

720

Mara-ming ku­wen­tong lu­malabas ngayon tungkol sa isang may edad nang babaeng personalidad na wala nang raket dati bilang komed-yana pero nagkaroon ng pa-ngalawang buhay ang karera.

Wala pa rin daw kupas ang kaa-ngasan ng female personality, palaging nakaismid at reklamadora, sa halip na magpasalamat dahil nagkaroon uli siya ng trabaho sa telebisyon.

Kuwento ng isang miron sa taping ng serye kung saan kasali ang female personality, “Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Dati na siyang maangas, maraming hindi nagkakagusto sa kanya, dahil masyado nga siyang mayabang at reklamadora!

“Nawala na siya dati, ‘di ba? Umuwi na siya sa probinsiya, du’n na lang siya rumaraket, pa-show-show siya kapag fiesta at siya mismo ang nagkukuwento na manok at bigas ang talent fee niya!

“Akala naman ng mga personalidad na naging witness sa katarayan niya dati, e, hindi na siya ganu’n. Ang iniisip nila, porke nakaranas nga siya ng hirap, e, magbabago na siya.

“Pero waley! Mataray pa rin ang hitad, feeling-sikat, kung makaasta siya, e, akala mo siya ang bida sa seryeng umampon sa kanya!

“Kung makapag-utos siya sa utility, e, akala mo siya amo na nakapameywang ang dating! Palagi siyang nakasimangot, e, ganu’n na nga ang beauty niya, ‘di ba?” napapailing na kuwento ng aming source.

Pati ang mga talents (read: extra) sa taping ng serye ay hindi kumportable sa kanya. Parang nanunukat daw kasi ang tingin ng mataray na komedyana, naiilang sila, kaya lumalayo na lang ang mga talents sa kanya.

Hirit pa ng aming source, “Kahit nga ang magagandang girls sa t­aping, e, hindi nagtataray. Beautiful na sila, ha? Pero ang hitad na ito, kung makaasta, parang manyika ang itsura niya!

“Imported ang name niya, hiniram niya ang pangalang ‘yun sa mga sikat na foreign personalities!” pagsasarado sa kuwento ng aming impormante.
Ha! Ha! Ha! Ha!

Arjo laging bukambibig si Maine

Kailangan nang magtaas ng magka­bilang kamay sa pagsuko ang mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza na umaasang sila pa rin ang magkakatuluyan sa bandang huli.
Pormal nang ipinakilala ni Arjo Atayde ang girlfriend niya sa kanyang buong pamilya mula sa kanyang lola, mga magulang, kapatid at mga pinsan.

Puring-puri siyempre ni Sylvia S­anchez si Maine na napakasimple raw at napakagaan ng dating. Nagpasalamat din siguro ang aktres dahil may pinag-huhugutan ng inspirasyon ngayon ang kanyang anak sa pagtatrabaho.

Wala na silang ikinukubli, lantaran na ang relasyon nina Arjo at Maine, kaya wala nang pamimilian ngayon ang AlDub fanatics kundi ang tanggapin ang katotohanan na hanggang sa harap lang ng mga camera ang relasyon nina Maine at Alden.

Maganda na rin ang ganyan, mas maaga silang haharap sa katotohanan ay mas makabubuti para sa kanila, huwag na nilang hintayin pang tawagin silang ilusyunada.

Ang tambalan nina Alden at Maine na tunay namang kinabaliwan ng buong bayan nu’ng 2015 ay isang matinding patunay na hindi naipagtutulakan ang kahit sino sa gusto niyang mahalin.

Puso ang nagdidikta, hindi ibang tao, kung sino ang makapagpapaligaya kay Maine ay ‘yun ang nakita niya kay Arjo.

Nu’ng una pa man ay sinabi na ni Maine na magkaibigan lang sila ni Alden, walang namamagitang romansa sa kanila, pero hindi rin natin masisisi ang kanilang mga loyalista na maniwalang sa dakong huli ay magiging sila pa rin.

Si Maricel Soriano na mismo ang nagkuwento sa amin na sa ta-ping nila ng The General’s Daughter ay si Maine ang palaging bukambibig ni Arjo.
“Kahit hindi mo siya tinatanong, kuwento pa rin siya nang kuwento tungkol kay Maine. O, ano ang tawag mo du’n, di ba?” kuwento pa ng Diamond Star.