Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maangas sa kantahan, katrabaho sinakyod

0 245

Sinaksak ng isang construction worker ang kanyang katrabaho matapos nilang magtalo kung sino ang mas maganda ang boses sa Lucban, Quezon.

Ayon sa Lucban Police, sinaksak ni Elmer Monares, 26, si Robert Raterta, 35, bandang alas-7 ng gabi noong Linggo sa loob ng isang construction barracks sa Southern Luzon State University compound.

Kapwa umano dumalo sa isang birthday party sina Monares at Raterta at nang malasing ay nagpayabangan kung sino ang mas magaling kumanta sa kanila.

Kumuha si Monares ng kutsilyo sa kusina ng barracks saka dalawang beses sinaksak sa kaliwang braso si Raterta.

Dinala sa isang ospital ang biktima habang kusang sumuko sa pulisya ang suspek. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.