Abante Tonite Interactive

Maari na bang mag-petsercise sa labas?

0 291

Dear FURRever FURRiends:

Bored na ba kayo at si doggy sa bahay? Good news! Maari na tayong mag-ehersisyo sa labas ng bahay sa ilalim ng bagong Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa Presidential Communications Operations Office, “People need to stay at home, (but) limited outdoor exercise are allowed like outdoor walking, jogging and biking as long as safety protocols are observed…”

Pero bago po kayo lumabas, siguraduhin ang mga sumusunod:

– Alamin muna kung ang inyong barangay ay naka hard-lockdown at kung talagang pumapayag sila sa outdoor exercise na kasama si doggy.
– Dalhin palagi ang Quarantine Pass.
– “Limited exercise” po ang ginamit na term. Hindi lakwatsa, chismisan o tambay. Huwag abusuhin ang MECQ.
– Kapag lumabas kayo, magsuot ng mask at mag-social distancing ng 6 feet.
– Ang kasalukyang MECQ ay valid hanggang May 31, 2020.

Kung sakaling bawal lumabas sa barangay ninyo, maari kayong mag-ehersisyo kasama si doggy, sa loob ng bahay, sa pamamagitan ng games!

Hide and Seek – isa ito sa mga paboritong laro ng mga aso ko! Magtatago muna ako sa kwarto tapos papapasukin ng asawa ko ang mga doggies ko. Ang unang makahanap sa akin ay may treat!

Ang laro na ito ay maari rin gawin gamit ng dog toy. Lagyan ng peanut butter o treat ang toy, itago ito sa kwarto para hanapin ni doggy. Sa una, gawing madaling hanapin ang toy. Kapag kayang-kaya na ni doggy, maari niyo nang gawing mas mahirap ang challenge.

Related Posts

Fetch – ito po ang laro na maghahagis kayo ng bola para habulin ni doggy at ibalik sa inyo. Siguraduhin na ang bola ay sakto lang sa bibig ng inyong alaga.

Hilahang Lubid – masaya ito at nakakapagod kay doggy! Palawitin niyo ang isang makapal na lubid sa harapan ni doggy. Kapag kinagat niya ito, hihilahin niyo ang dulo na hawak niyo at tug-of-war na! Pero ingat lang po sa paghatak ng lubid dahil maaring masaktan ang bibig ng inyong alaga.

Laro sa Bula – kailangan ninyo ng isang mabulang halo gawa sa tubig at baby shampoo para hindi masakit sa mata. Gamit ang isang ‘bubble wand’ na gawa sa wire, isawsaw po ito sa mabulang halo at hipan ito. Makakagawa kayo ng bubbles para habulin ni doggy. Ang saya-saya!

Huwag po natin kalimutan na ang ehersisyo at laro ay importante sa kalusugan natin at ng ating mga alaga. Stay safe kayong lahat!
Nagmamahal,

Joyce
Photo credit: dog with ball by Glen Carrie

Tonite – Wendys Inhouse Ad