Abante Tonite Interactive

Maawat kaya ang mga ‘epalitiko’?

98

Naglabas ng memorandum circular #25 si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos na tanggalin ang larawan ng mga pulitiko sa mga tanggapan at ahensya ng gobyerno.

Kapalit ng tatanggaling mga larawan ng mga ‘epalitiko’ ay ang mga nakakuwadrong litrato ng mga pulitiko sa bawat tanggapan at ahensiya ng gobyerno ay mga bayani ng bansa.

Kabilang sa mga tanggapan ng gobyerno na binabawalang magpaskil ng larawan ng mga ‘epalitiko’ ay mga government offices.

Ang mga larawan na maaaring isabit at ipalit sa larawan ng mga ‘epalitiko’ ay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Agui­naldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, at Juan Luna.

Ang kautusan ay upang mapalakas ang nasyonalismo ng mga Pilipino, at paggalang sa mga bayani at para mabigyang halaga ang kasaysayan ng bansa.

Mabuti at may opisyal nang kautusan hinggil dito dahil ang alam natin pagkaupung-pagkaupo ng Pangulo ay iniutos na niya ito.

Pero mistulang bulag at bingi ang mga pinatutungkulang mga opisyales kaya naghambalang pa rin ang mga larawan ng mga ‘epalitiko’ sa mga  proyekto ng gobyerno.

Sa pagkakataong ito sana naman ay tumalima ang mga pulitiko at opis­yal ng gobyerno para hindi napupulaan at sa halip ay makatulong sa magandang layunin ng gobyerno ang palaganapin ang nasyonalismo, lalo na’t hindi naman sa kanilang bulsa nanggagaling ang pondo sa mga inaangkin nilang proyekto kundi sa gobyerno.