Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maayos na pamamalakad sa PRMMH-Zambales

0 129

Hangga’t hindi mo personal na mararamdaman ang serbisyo ng mga government hospital ay nakapahirap ipangalandakan ng kanilang ginagawa para sa mga kababayan natin.

Sa totoo lang kaawa-awa ang mga health workers—mga doctor, nurse at iba pang nasa frontline ng laban natin kontra-COVID, madalas sila ang pagbalingan ng galit ng ating mga kababayan kapag hindi agad nabibigyang-pansin ang kanilang mga hinaing.

Hindi dapat natin tinatratong parang walang pakialam ang mga health workers. Bago pa man magka-COVID ay trabaho na nila ang magligtas sa buhay ng ating mga kababayan.

Pero ngayong nagkaroon ng pandemya mas lumawak ang kanilang obligasyon. Mas dumami ang kanilang trabaho, pero ganun pa rin ang kanilang tinatanggap na benepisyo, maliban sa ilang nabiyayaan ng special risk allowance.

Kaya sana naman ay makita natin ang sakripisyong ito ng ating mga health worker ngayong pandemya.

Ako mismo ay ramdam ang sakripisyo ng mga health worker sa kagustuhang mapagwagian ang laban kontra COVID, lahat inilalaban nila ang buhay para mailigtas sa COVID lahat ng mga tinamaan ng virus.

Partikular ko itong napansin sa aking daily monitoring sa kaso ng isang kaanak sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales.

Nakapasistematiko ng mga staff ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa pagpapaliwanag sa mga kaanak ng mga pasyente kaya hindi ka kakabahan.

Malayung-malayo sa maririnig mong takot sa mga pangyayari sa mga ospital sa Metro Manila.

Kaya sana naman ay mabigyan ng gobyerno ng mas malawak na suporta ang mga health workers at mga public hospitals gaya ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital dahil malaking tulong ito sa mga Zambaleno na walang kakayahang magpagamot pero nakukuha ang tamang serbisyo.

Paano pa kung bubuhusan ito ng mas malaking pondo, tiyak akong mas maraming Zambalenyo ang makikinabang at mapagsisilbihan ng nasabing ospital.

Leave A Reply

Your email address will not be published.