Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mababait na pulis may premyo

0 118

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang programang “Pulis Magiting x Pilipinong Magiting” na naglalayong bigyan ng award ang mga pulis na magpapakita ng magan­dang halimbawa sa ser­bisyo.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, layunin nito na maipakita ang good deeds ng mga parak upang mapawi ang negative publicity kaugnay sa mga pasaway na pulis.

Katuwang ng PNP ang Ayala Foundation Inc. (AFI) na hihimay at kikilala sa mga natatanging pulis na swak sa hinahanap na kategorya. Magkakaroon ng cash o in-kind tokens na aabot sa P5,000 sa mga PNP personnel o mga team na may noteworthy deeds at accomplishments.

Gagawin ang awarding ceremony tuwing unang Lunes ng buwan at pipili ng 15 hanggang 20 awardee kada buwan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.