Abante Tonite Interactive

Mababang libido

1,170

Dear Dra. Holmes:
Hindi po ako sexually active at mababa po ang libido ko sa katawan. Ito ang dahilan ng mga past break ups ko po. Mayroon po akong partner ­ngayon. 2 years na kami pero bilang sa daliri ‘yung times na nag-sex kami.

Lagi po siyang nagyayaya pero hindi pa rin tumataas ang libido ko. Ano po kaya ang dapat kong gawin?
Sana po matulungan ninyo ako.

Nagpapasalamat,
Yohanne

Dear Yohanne:
Maraming salamat sa sulat mo. Ang mababang libido sa pagsisiping ay may maraming dahilan.
Pag-usapan muna natin ang mga dahilan na mahirap mabago dahil tao lang tayo at hindi president ng bansa o kompanyang mayaman.

Halimbawa: Sobrang haba at hirap na hirap ang iyong commute mula sa bahay hanggang sa trabaho at mula sa trabaho hanggang sa bahay. Masikip, minsan mabaho, at ang hirap sumakay.

Minsan rin, nakakatakot magmaneho ang driver. Maraming hindi alam ang napatunayan na ng mga pananalisik: Ang takot dahil sa masamang pagmamaneho ng driver ng bus na sinasakyan ng tao ay nakaka-stress at nakakapagod. Sino naman ang magaganahan mag-sex kapag nakauwi ka na sa bahay?

Minsan, malulunasan ito sa paghinga bago kumain, pero minsan hindi. Ang solusyon para sa iilang mag-partner ay mag-sex na lang kapag day off nila. Sana lang, pareho ang mga day off ninyo, o hindi ka stressful sa commute para sa partner mo at excited siyang paligayahin ka kahit ‘di niya day off.

Minsan naman, ang dahilan ay hindi marunong magromansa ang partner mo, o laging mali sa timing ang kanyang pagyayaya sa iyo. At nakakainis, o nakakapagod turuan siya. Kapag hindi siya interesado o mas masaklap, magalit pa siya, disokodai! Malamang lalong bababa ang libido mo. (TO BE CONTINUED)

***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at ­Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/dr­margieholmes at panoorin siya sa “Walang Echos” sa Abante Tonite Facebook page tuwing Huwebes, 7 pm.