Abante Tonite Interactive

Mabahong Boracay aamuyin ng mga senador

1,184

Magsasagawa ng public hearing at ocular inspection sa isla ng Boracay ang ilang senador upang personal na makita ang polusyon sa dagat na naunang binansagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘cesspool’.

Kinumpirma nina Senador Joel Villanueva at Migz Zubiri na pupunta sila sa pamosong isla ngayong Marso 2 upang magsagawa ng public hearing at inspeksyunin ang umano’y paglabag sa environmental laws ng mga establisimyento dito.

Isasagawa ang public hearing at inspection bunsod ng inihaing S­enate Resolution No. 646 ni Villanueva.

Nais ng senador na baguhin ang proseso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa aplikasyon ng environmental compliance certificates upang matiyak na hindi sinisira ng mga establisiyimento ang kalikasan.

“The proliferation of private establishments in the Boracy Island and the poor monitoring and enforcement of environmental laws have resul­ted in massive environmental damage in the island, which threatens the viability of the island as a prime tourist destination,” paliwanag ni Villanueva.

Ang joint hearing ay gagawin ng Senate­ committee on environment, tourism at finance­.