Abante Tonite Interactive

Mabangis sa Kriminal

580

Ni: Issa M. Santiago

Best Cop

Tinawag na ‘Best Cop’ ni Mayor Abigail Binay si Police Colonel Rogelio P. Simon dahil sa unang buwan pa lang bilang chief of police ng Makati City Police Station, nagpakita agad ito ng sarili niyang brand of leadership.

‘Medalya ng Kagalingan’

Nagbunga ito ng award na ‘Medalya ng Kagalingan’, na personal na binigay ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa mga pulis Makati.

Naitalaga si Colonel Simon, isang alumnus ng Philippine National Police Academy Class of 1995 Patnubay, bilang hepe ng Makati Police noong Mayo 10, 2018.

Dahil sa walang katulad na kaniyang serbisyo at pamumuno, maraming
‘exceptional accomplishments’ na maipagmamalaki ang Makati City Police Station.

Marami na silang naarestong­ mga suspek na may standing­ warrant of arrest at mga most wanted na may mga kasong rape at murder.

Umabot na rin sa 1,231 drug suspects ang kanilang nadakip at iba’t ibang iligal na droga na rin ang kanilang nasamsam na may kabuuang halaga na mahigit P44 milyon.

Pinakamatindi rito, na kinilala ng PNP at maging ng Malacañang, ang mga back-to-back raid nito sa Time in Manila bar noong Agosto 11 at 16, 2018 kung saan nabigyan sila ng award na ‘Medalya ng Kagali­ngan’ dahil sa ipinakitang ‘heroism’ o ‘series of heroic acts’ sa trabaho.

Hindi rin matatawaran ang patuloy nilang pagsasagawa ng SACLEO o ‘simultaneous anti-criminality law enforcement operation’ na malaki aniya ang naitutulong sa komunidad at para maramdaman ng mga Makatizen na ‘safe’ sila sa pagtulog at paglalakad sa kalye.

Nagsisilbi naman silang tagabantay at tagabigay ng seguridad sa taon-taong mga aktibidad sa mga barangay para sa mga kabataan gaya ng paliga.

                          Bilangguan hindi umaapaw

Pinagmalaki ni Colonel Simon na hindi siksikan ang mga kulungan sa Makati Police Station.

Ito’y dahil sa maayos na pakikipag-ugnayan nila sa city prosecutors office at sa korte, na kinakailangang mabilis maglabas ng commitment order para hindi natetengga ang mga nahuhuli sa kulungan.

Resulta nito: Hindi masyadong ‘decongested’ o siksikan ang mga kulungan sa Makati.

Aniya, hindi sila umaabot sa senaryong may nahihimatay o namamatay na mga inmate dahil sa sobrang sikip ng mga kulungan.

Tuwing makalawa ang pag-iisyu ng commitment order ng korte sa lungsod kaya kahit araw-araw silang nanghuhuli, araw-araw naman ay may nareresolbang kaso at nakalalayang suspek.

Mahigit 500 kaso ng mga nahuli nila ang agad na naresolba na kinabibilangan ng murder, homicide, rape, physical injury, robbery at theft.