Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mabigat na parusa vs switik sa timbangan umusad

0 44

Umusad na ang panukalang pagpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa mga nagtitinda na dinaraya sa timbang ang mga mamimili.

Ang House Bill 3255 ay inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng voice voting sesyon noong Lunes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng HB 3255 ay magtatayo ang mga lokal ng pamahalaan ng timbangan ng bayan center sa lahat ng palengke sa bansa upang may magamit ang mga kostumer at malaman kung wala sa tamang timbang ang ibinigay sa kanilang produkto.

Ayon sa panukala, itataas sa P50,000 hanggang P300,000 ang multa laban sa mga mandaraya o/at kulong na hindi bababa sa limang taon. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.