Abante Tonite Interactive

Mabilis ba talagang labasan sa unang sex ang lalaking virgin? (2)

348

Dear Dra Holmes:
Sabi ninyo na maaaring mabilis labasan ang isang lalake sa unang beses niya depende sa babaeng una niyang nasi­ping? Bakit po?

Dear Ian:
Maraming salamat sa sulat mo. Sa kolum natin kahapon, sinabi ko na, sa aking opinyon ang karamihan ng mga lalake ay nagsisiping sa kanilang girlfriend o sa babaeng bayaran. Alam ko na mayroong ibang lalake na nagsisiping hindi sa gf nila o sa babaeng bayaran, pero sa isang kaibigan, atbp., pero ang pinag-uusapan natin ay ang karamihan, right?

(Pero) kung sa gf nila ang unang karanasan niya, malamang nag-aalala siya na baka magbagong isip ang gf niya at malamang ring hindi siya nakakasigurado (little confidence). Kung una silang nagsiping sa bahay niya o ng girlfriend niya, isa pang dahilan yan para mag-alala: baka sila maabutan ng mga magulang nila. in other words, mas mabilis, mas siguradong hindi mahuli (“The sooner the better”).

Kapag babaeng bayaran naman, kadalasan hindi sila kayang magbayad ng matutulog kasama nila at aalis na kinabukasan. Kadalasan rin, para sa mga babaeng bayaran na hindi para sa buong gabi (“all nighters”), ang kita nila ay depende sa ilang lalake ang maging customers­ nila. Mas maraming lalake, mas maraming­ kita (“the more, the merrier”). Hindi nakakataka na mas gusto nila ang lalakeng mabilis labasan. Dahil malawak ang karana­san ng karamihan sa kanila, mas marunong silang himukin (encourage) ang lalake, sa salita o aksyon, na labasan na.

Understandable naman yun, diba, Ian? Para bang kolumnista na binabayaran, ‘di depende sa katagalang sinulat ang kolum niya, pero gaanong karami siyang kolum na nasulat. Pareho ang kolumnista at ang babaeng bayaran na naghahanap ng paraan para mas marami silang output.

Inaasahan ko na nakatulong at naklaro para sa iyo ito, dea­rest Ian. Ingat — MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com