Abante Tonite Interactive

Mabilis ba talagang labasan sa unang sex ang lalaking virgin?

WALANG BOLAHAN

1,303

Minamahal kong tagabasa—

Happy New Year po. At dahil new year, mayroon rin po tayong new schedule: da­lawang beses na po ang Walang Bolahan sa TONITE. Sana po masiyahan kao rito sa pagdoble ng kolum natin to 2X a week. Ako po, super saya dahil ibig sabihin hindi sobrang nakakabitin ang kolum. TY po sa inyong lahat na nagsusuporta rito. MG Holmes

Dear Dra Holmes:

Lahat po ba ng virgin na lalake ay ‘di maiwasan na mabilis labasan sa una nilang pagtalik? Nangyari po ito sa akin at ayoko na maulit uli. – Ian

Dear Ian:

Maraming Salamat sa sulat mo. Mahirap makasigurado sa LAHAT kung tao ang pag-uusapan dahil iba-iba tayo at siguradong may kataliwasan sa patakaran (exception to the rule).

Kaya kung okay lang sana sa iyo, pag-usapan natin ang u­nang karanasan hindi ng lahat pero ng KARAMIHAN ng mga lalakeng virgin. Ang akin sagot dito ay opinyon at karanasan ko bilang sex the­rapist, okay? Dahil wala pa akong nababasang pana­naliksik tungkol rito.

Ang sagot ko ay OO. Karamihan ng mga lalaking virgin ay mabilis labasan kapag unang beses sila magtalik.

***

Dear Dra Holmes:

Ganyan po ang nangyari sa akin. Ang bilis-bilis ng first time. Bakit po at puwedeng maiwasan? – Ian

Dear Ian:

Hindi ako nakakasigurado, okay, dahil muli, ang basehan ko sa sagot ko ay hindi pananalisik pero ang aking opinion dahil sa a­king karanasan bilang sex therapist, Sa akig opinion, may dalawang dahilan kung bakit maaaring ang karamihan ng lalaki ay nilalabasan ng mabilis sa una nilang pagsisiping.

Maaari kasing depende ‘yun sa babaeng nasisipingan nila. Kadalasan, ang karamihan ng lalaki ay unang nagsisiping sa girlfriend nila o sa babaeng bayaran. Final installment tomorrow.

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com