Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mabilis makaisip ng solusyon si Defensor

0 101

Sa teknolohiya, mabilis maging obsolete ang isang equipment. Dati, sikat ka kapag may nakasabit sa iyong baywang na pager pero nasapawan agad ito nang maglabasan ang mga analog mobile phone. Dati, nagse-save ka ng data sa floppy disc pero ngayon, mayroon nang memory stick at iCloud.

Nasabi natin ito dahil itong coronavirus disease (COVID-19), parang nanganganak dahil sa mga naglalabasang variant. Last year, naging mabagsik ang Delta variant kung saan ito umano ang dahilan kung bakit pumalo sa higit 20,000 ang naitatalang kaso noong Agosto hanggang Setyembre at daan-daan din ang namamatay.

Ngayon naman, umaariba naman ang Omicron variant. Noong Disyembre 21, 2021 ay 168 lang ang tinamaan ng coronavirus at nagpatuloy ang mababang numero hanggang Disyembre 28, 2021 kung saan naitala ang 421 kaso. Kinabukasan, umakyat na ito sa higit isang libo at nitong Enero 6, 2022 ay higit sa 17,000 ang nagpositibo sa COVID-19.

Parang kidlat sa bilis makahawa ang Omicron. Ang masaklap, mukhang dating gawi pa rin ang Quezon City government sa kanilang vaccination drive.

Mabuti pa nga si Anakalusugan Rep. Michael Defensor, mabilis makaisip ng paraan para mapaspasan ang pagbabakuna sa mga residente ng Metro Manila lalo na ang Quezon City. Dapat daw magpakalat ng maraming mobile booster teams upang mas maraming mabakunahan sa bagong surge ng COVID-19.

“We have to bring booster services closer to the people to overcome the tsunami of infections and hold back more hospitalizations and deaths,” paliwanag pa ng tumatakbong Quezon City mayor sa Halalan 2022.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“In Quezon City, for instance, many residents have not received their boosters because of the local government’s flawed strategy of merely asking people to gather at pre-designated vaccination sites,” dugtong pa ni Cong. Defensor.

Isa sa nirekomenda ni Cong. Mike ay iposisyon ang mga booster clinic sa paligid ng public market para mabakunahan ang mga vendor gayundin ang mga mamimili. “In the case of our vendors, they have to eke out a living every day and are being discouraged from getting their boosters because of poor access,” katuwiran pa niya.

Dapat din daw ikonsidera ang door-to-door campaign o in-home booster services sa mga indibiduwal na siyang nagbabantay sa mga nakatatanda o mga bata sa bahay.

Ganyan dapat ang isang lokal na opisyal ng gobyerno. Mabilis dapat makaisip ng paraan para solusyunan ang kinakaharap na problema. Nasa katangian iyan ni Defensor, bright na, hinog pa sa karanasan. Hindi siya yung BIMPO o Batang Isinubo ng Magulang sa Politika. Tabi-tabi po ang tamaan ‘wag magalit.

Noong Enero 5, Quezon City na naman ang may pinakamaraming bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Metro Manila sa bilang na 1,780 kaso, habang ang Maynila ay mayroon naman 1,438. Nakakatakot!

Sana naging mabilis sa pagkilos ang Quezon City at iba pang LGU sa Metro Manila dahil hindi biro ang bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Leave A Reply

Your email address will not be published.