Abante Tonite Interactive

Mabilis na pagtulog

By
125

May mga tao na problema ay hirap sa pagtulog. Iyung halos lahat ng paraan ay ginagawa na upang makatulog pero wala pa rin.

Maraming tao ang hirap makatulog sa gabi na tipong kahit anong posisyon na ay ginawa nila para dapuan ng antok ngunit hindi pa rin makatulog dahil na rin sa kakaisip sa kung anu-ano.

Maganda sa kalusugan kung tayo ay makakatulog ng walong oras sa isang araw. Alam natin na ang kawalan ng sapat na tulog ay may negatibong epekto sa ating kalusugan.

Kawalan ng gana sa pagkilos, kakulangan sa lakas at pagiging matamlay ang ilang epekto ng kulang sa tulog. Ang pagtulog ay isang paraan para matanggal ang lahat ng pagod o stress ng bawat tao.

Marami ang sanhi o dahilan kung bakit nahihirapan matulog ang isang tao. Ito ang iilang paraan sa mabilis na pagtulog.

1. Uminom ng mainit na gatas 1 o 2 oras bago matulog.

2. Maligo sa maligamgam na tubig upang marelaks at maging presko ang katawan pagkahiga.

3. Panatilihing malinis ang kwarto. Masarap matulog kapag malinis ang kwarto. Patayin ang ilaw at siguraduhing walang liwanag mula sa bintana.

4. Itigil ang pag-iisip tungkol sa mga problema at ipahinga muna ang katawan.

5. Magpatugtog ng slow music o love songs na makakapagpaantok sa’yo.

6. Huwag na mag-laptop o cell phone.

7. Magdasal at kausapin ang Panginoon dahil makatutulong ito para gumaan ang iyong pakiramdam.

Tandaan, ang pagtulog nang sapat ay nakatutulong sa pag-improve ng memorya at napapanatiling malusog ang ating mga puso. Napapanatili rin nang sapat na tulog ang iyong timbang at ang malakas na resistensya ng katawan. Ugaliing matulog ng walong oras para maging healthy ang katawan.