Abante Tonite Interactive

Mabilis na rebisyon sa GCTA pinuri ng Palasyo

246

Pinapurihan ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) dahil sa mabilis na rebisyon at pagtatama sa sablay na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10592.

Umaasa si Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa pamamagitan ng bagong revision ng IRR ay maitatama ang mga pagkakamali at kapalpa­kan sa pagpapalaya sa mga bilanggo sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Magkakaroon na aniya ng pagkakataon na mapalaya ang mga presong karapat-dapat mapalaya subalit pinagkaitan dahil mas nangibabaw ang katiwalian at pinagkaperahan ang proseso.

“We hope that the revisions ang corrections made in the instrument would address the inaccuracies, as well as the loopholes of its earlier version which generated confusion among the officials in implementing the law, mand the corresponding backlash of the public against them,” ani Panelo.

(Aileen Taliping)