Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mabisang Panlaban sa Init

0 230

Umabot na sa 51 degrees Celsius ang heat index sa ilang bahagi ng bansa nitong mga nakalipas na araw.

Bagaman may pabugsu-bugso nang pag-uulan sa ibang parte ng kapuluan, matindi pa rin ang nararanasang init sa malaking bahagi ng bansa dulot ng summer season.

Talaga namang tagaktak ang pawis mo lalo na sa pagitan ng 11am hanggang 4pm kung kalian tirik na tirik ang araw. Kaya ang mga cooling system sa bahay gaya ng aircon, electric fan at refrigerator, 24/7 nang bukas para maibsan ang nararamdaman nating init ng panahon.

Kahit parang sirang plaka na ang mga medical expert pero hindi pa rin sila nagkukulang sa pagbibigay-paalala sa publiko na ugaliing uminom ng maraming tubig ngayong summer para mapunan ang labis na pagpapawis ng katawan.

Kailangang manatiling hydrated para presko ang pakiramdam. Pero hindi lang tuwing summer dapat umiinom ng tubig. Dapat itong ugaliin all-year-round. Sabi ng ilang eksperto, mainam kung higit sa walong basong tubig ang iinumin ng isang tao kada araw.

Ika nga, ‘water is life’. Importanteng sanayin ang katawan sa tubig. Marami kasi ang tila nalulunod sa tuwing umiinom ng tubig. Mas pinipili pa ang mga matatamis na inumin gaya ng milktea bilang pamatid uhaw. Dahil mataas ang sugar content nito, nakasasama ito sa kalusugan kung sobra-sobra ang intake.

Ayon sa eksperto, ang tubig ay natural remedy sa sakit ng ulo at migraine.

Ang utak ng tao ay binubuo ng 90% ng tubig. Kaya ayon sa ilang medical experts, ang pag-inom nito ay nakaka-improve ng productivity sa trabaho at paggawa ng iba pang gawain.

Nakatutulong din ang tubig sa digestion at constipation. Mas bumibilis ang metabolism ng isang tao kapag maraming water intake. Ang tubig at ang fiber ay magkaagapay upang magkaroon ng maayos na bowel movement araw-araw.

Malaki rin ang naitutulong ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig para sa taong madalas makaranas ng cramps, sprains at injuries. Kapag tayo ay properly hydrated, ang ating mga muscles at joints ay ­lubricated. Lagi rin daw good mood ang taong lagging umiinom ng tubig.

Maganda ring alternatibo sa tubig ang prutas. Ngayong summer season, panahon na rin ng ilang tropical fruits sa Pilipinas gaya ng mangga, pakwan, melon, at iba pa. Dahil masustansiya, mainam ito sa katawan ng tao. Pampalakas din ng resistensiya. Mabisang panlaban sa mga sakit lalo na ngayong hindi pa tapos ang laban natin sa Covid-19 pandemic. Pero siyempre, dapat in moderation lang din ang fruit intake. Basta lahat ng bagay, kapag sobra – nakasasama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.