Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mabisang Regalo

0 114

Sa mga naghahabol ng pamimili ng regalo ngayong Pasko, puwede ka pang mag-last minute shopping. Pero imbes bumili ng mga mamahaling laruan o mag-abot ng pera sa mga inaanak, bakit hindi hygiene kits ang ipamigay?

Sa totoo lang, mas kapaki-pakinabang kung hygiene kits gaya ng alcohol, face masks, face shields at iba pang pang-sanitize ang ireregalo ngayong holiday season.

Palagay ko, mas ma-appreciate ng mabibigyan ng regalo kung ‘yan ang matatanggap nila lalo pa’t gobyernong Duterte na ang nagsabi na mandatory na ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar. Malaki ang maitutulong ng mga gift idea’ng gaya niyan para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 transmission.

Bukod sa hygiene kits, mabisang regalo rin ngayong holiday season ang Vitamin C. Kung ako ang bibigyan nito, siguradong matutuwa ako lalo pa’t dalawang beses akong umiinom nito kada araw. Magandang panlaban ang Vitamin C sa sakit dahil nakaka-boost ito ng immune system.

Puwede ring panregalo ngayong Pasko ang halaman o mga buto ng gulay na maaaring itanim lalo pa’t maraming mga plantito at plantita ngayong naka-quarantine pa rin ang bansa. Malaki ang benepisyo nito sa kalusugan ng isang tao. Iba ang pakiramdam kapag sariwa ang nalalanghap na hangin mula sa mga halaman.

Ang iba naman, mga home-made sweets ang panregalo ngayong Pasko. Iba-iba ang alok ng mga online seller gaya ng ube-cheese pandesal, red-velvet pandesal, cheese rolls at iba pa. Pero hinay-hinay sa consumption higit lalo sa mga mataas ang blood sugar para iwas-diabetes.

Sa huli, wala naman sa garbo at presyo ng regalo ang diwa ng Pasko. Ang mahalaga, naalala natin ang bawat isa ngayong panahon ng pagbibigayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.