Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mabubuting tao kinukuha ni Lord-Ivana

0 80

Alam ni Ivana Alawi na napakabuting tao ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Sinabi niya ito sa kanyang fundraiser video para sa naiwang pamilya ni Kween LC na “BUSWASH PARA KAY LLOYD CADENA!”

Sambit pa ng Filipino-Moroccan actress, tila puro mababait ang pumapanaw kamakailan.

Namatay si Cadena, 26, noong Setyembre 4. Ilang linggo lang bago ito, Agosto 16, pumanaw ang isa pang YouTuber na si Emman Nimedez, 21.

“Alam kong napakabuti mong tao. You will always be remembered dahil ang dami mong natulungan,” mensahe ng sexy actress para kay Lloyd.

“Alam mo ‘yung kahit hindi mayaman si Lloyd e, nakikita ko kasi mga videos niya. Kahit may utang siya sa bahay niya, mas inuna niyang mamigay ng mga tablets sa mga bata.”

“Sobrang buti nga niya, kaya nga hindi ko maintindihan bakit laging kinukuha ni Lord, mga mabubuting tao,” sey niya pa.

Hiniling ni Ivana sa madla na huwag i-skip ang ads sa naturang video dahil lahat aniya ng kikitain ng video ay mapupunta sa naiwang pamilya ni Lloyd, “para kahit papano, makatulong tayo sa kanila.” (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.