Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mabuhay kayo Hidilyn, Nesthy, Carlo, Eumir!

0 307

Nakabalik na ang ating matagumpay na Team Pilipinas na makasaysayan ang naging kampanya sa 32nd Summer Olympic Games 2020+1 sa Tokyo, Japan nitong Hulyo 23-Agosto 8.

Dumating sila Lunes ng hapon, pero deretso agad sa isang linggong quarantine sa isang hotel sa Pasay base na rin sa patakarang umiiral sanhi ng Coronavirus Disease 2019 at iba pa nitong variant gaya ng Delta.

Nakapag-uwi ang 19 nating magigiting at matatapang na mga atleta ng isang gold medal mula kay Hidilyn Diaz sa women’s weightlifting 55kg class na rito’y nag-clean and jerk at total lift Olympic record siya, silver galing kina boxers women’s featherweight Nesthy Petecio at men’s flyweight Carlo Paalam, at bronze buhat kay boxer Eumir Felix Marcial sa men’s middleweight.

Ang 1-2-1 medal tally ang pinakamataas na nakamit ng mga Pinoy sapul noong 1924 Paris Olympics, nilampasan nito ang dati nating best finish na 0-0-3 sa 1932 Los Angeles Summer Games. Ang ‘Pinas din ang nag-No. 1 sa mga bansang nasa Asean.

SM food to go Banner Ad

At ang gold ay una rin natin sa may 97 taon sa quadrennial sports conclave.

Mula sa Turning Point mabuhay kayo Hidilyn, Nesthy, Carlo at Eumir. Gayundin kina Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino at iba pa.

***

Maligayang bati kay Mary Grace Ann Laguitan ng Paco, Maynila na nagtapos with honors sa Universidad de Manila Senior High School (Humanities and Social Science) via virtual graduation noong July 30. Pagbati mula sa iyong mama Becca, tito Toto, ate Joy at adviser Arnold Ocinada.

Leave A Reply

Your email address will not be published.