Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mabuti na ang chubby kesa pangit – Angel

0 121

Hindi bothered si Angel Locsin kung nilalait man ng mga bashers ang kanyang weight dahil aminado naman siya sa sarili niya na mataba siya.

“Hindi ako nagsalita kasi parang, anong sasabihin ko? ‘Yun ang opinion nila sa sarili ko eh. Totoo naman, mataba naman talaga ako. Pero hindi naman masusukat noon kung sino ako,” pahayag ni Angel sa kanyang live interview sa Over a Glass or Two vlog.

Natatawa pang dagdag ng aktres, “mabuti nang chubby kaysa ugly.”

Mensahe pa niya sa bashers, “kung hindi kayo natutuwa sa sarili ko, well, I’m sorry to hear that. But natutuwa pa naman ako sa sarili ko and I know ang kaya kong ibigay sa table.”

Alam daw niyang hindi niya kayang kontrolin ang opinyon ng mga tao pero hindi raw sukatan ang mga negative comments na ito para mabawasan ang pagmamahal niya sa sarili.

“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan, maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin. Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, I am just really grateful and tanggap ko, I’m a working progress. Alam ko naman ‘yun, eh,” saad niya.

Matatandaang noong nakaraang Hunyo ay nagsimula na si Angel ng kanyang weight-loss program at may improvement na nga dahil pumapayat na siya.

“Ginagawa ko ito for myself, for my health lang talaga. Maraming salamat dahil vaccinated na tayo, nakikita natin ‘yung blood pressure natin. So ‘yung sa akin, mataas (ang bp), mataas siya, kaya kailangan kong pagtuunan ng pansin talaga.

“It’s not really for vanity. Siguro bonus na lang din ‘yun pero ‘yung hinahabol natin ‘yung importanteng health.
Alagaan natin ang sarili natin,” pahayag pa ni Angel.

Coco, Julia balik-tambalan

Kasalukuyan palang nasa Pola, Oriental Mindoro ngayon sina Coco Martin at Julia Montes para mag-shoot ng isang pelikula. Viral na nga ngayon ang mga larawan ng dalawa na kuha mula sa shooting . Walang pagsidlan sa tuwa ang kanilang mga fan na napakatagal ding naghintay ng reunion project ng kanilang idolo.

SM food to go Banner Ad

Nauna nang nag-post sa kanyang Facebook account ang dating aktres na si Ina Alegre o Jennifer Mindanao Cruz na ngayon ay Mayor ng Pola.

Sa larawang ipinost ni Ina ay makikitang kasama niya sa sasakyan sina Coco and Julia.

“With Coco Martin and Julia Montes location familiarization. thanks Direk Brillante Mendoza and Direk Bing… shooting sa Pola. I love Pola…” ang caption ni Ina na kasama rin sa pelikula.

Sa Instagram page naman ng Cocojuls4ever ay sunod-sunod ang mga videos and photos nina Coco and Julia habang nagsu-shoot sa Mindoro.

Sa mga larawan ay makikitang nakasuot ng police uniform si Coco which means isang pulis ang kanyang role.

“OMAYGAAAAHD!!! Di ko na alam kung paano ba kumalma. Deserve nila ‘tong project na ‘to. Ang tagal nating naghintay,” komento ng isang fan.

May video ring naka-post kung saan ay makikitang angkas-angkas ni Coco sa motor si Julia na mukhang hindi eksena sa movie kaya kilig na kilig ang CocoJuls fans.

Ang naturang pelikula ay comeback project ni Julia since as we all know ay matagal siyang namahinga sa showbiz. Ito rin ang pagbabalik niya sa pelikula dahil 2016 pa ang last film niya na Padre de Family.

Bukod dito, ito rin ang reunion project nina Coco at Julia after 7 years. Huli pang nagkasama ang dalawa sa isang proyekto noong 2014.

Kahapon nagsimula ang shooting at 2 weeks sila magsu-shoot sa Pola. Balitang si Coco rin ang producer nito at co-producer niya si direk Brillante Mendoza na siyang direktor ng pelikula na hindi pa sinasabi ang title. Ayon naman kay Ina, kasama rin sa movie si Raymart Santiago.

Leave A Reply

Your email address will not be published.