Abante Tonite Interactive

Mabuti para sa mangingisdang Pinoy

169

Good news na nga bang masasabi ang malayang pangingisda ng mga kababayan natin sa Panatag Shoal?

Ayon sa ulat, wala nang nangha-hassle na mga tropa ng China­ sa mga mangingisdang Pinoy na nanghuhuli ng lamandagat sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China.

Dahil wala nang nagha-hassle ay malaya nang nakakapag­layag ang ating mga kababayang mangingisda at resulta nito ay marami na silang nahuhuling mga isda na malaking pagbabago umano mula nang tanuran ng tropa ng China ang nasabing isla.

Bukod sa masaganang huli ay isa pang pangyayaring ikinatutuwa ng maraming mangingisdang naglalayag malapit sa pinag-aagawang isla ng Pilipinas at China ay ang maayos nang sitwasyon sa nasabing baybayin na lalong nagpasaya sa mga kababayan ­nating mangingisda.

Kung dati ay nangangamba ang mga naglalayag na mga ­Pinoy dahil sa mga naranasang pambu-bully ngayon daw ay malaya na silang nakapangingisda na malaking tulong sa kanila upang maka­tutok sila sa pangingisda.

Dahil sa positibong kaganapang ito sa Panatag Shoal ay umaasa ang mga Pinoy na magtuluy-tuloy na ang pangingisd­a nila sa lugar at hindi na maranasan ang pambu-bully mula sa Chinese Coast Guard kung saan ay itinaboy sila sa Panatag Shoal gamit ang water cannon na ikinasira ng mga gamit nilang bangka.

Ang pangyayari ay nagdulot pa ng trauma sa ibang mangi­ngisda.

Magandang development nga ang pangyayaring ito pero ang sa amin, hindi maaaring walang pormal na pag-uusap na gagawin ang Pilipinas at China sa usaping ito. Kailangang saraduhan ang isyung ito hindi puwedeng nakabitin dahil anim na taon lamang sa poder si Pangulong Rodrigo Duterte.

Papaano naman ang magiging kalagayan ng ating mga mangi­ngisda pagkatapos ng termino ni Pangulong Duterte sakaling walang maging pormal itong kasunduan. Kaya ang sa amin, tuldukan ang isyung ito para na rin sa kapakanan ng ating bansa lalo na ng mga mangingsidang inaasa ang kanilang pang-araw-araw na kabuhayan sa pangingsida sa Panatag Shoal.