Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Macandili, Tiamzon mas bet na nakadapa

0 77

Kung ang iba sa library nagbabasa ng libro habang komportableng nakaupo, iba sina Dawn Nicole Macandili at Ernestine Grace ‘Tin’ Tiamzon dahil mas bet nilang magbasa ng aklat na nakadapa sa damuhan habang naka-swimsuit.

“Tuesdays with Morrie,” caption ng F2 Logistic libero na si Macandili sa litrato nila ni Tiamzon habang nagbabasa at nasisikatan ng haring araw.

Nakakulong ang dalawa sa Pampanga dahil naghahanda sa paparating na 11th Asian Volleyball Women’s Club Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Oktubre 1-7.

Iwawagayway nila nila ang Team Choco Mucho kasama ang ilan pang PH volleyball star na kagaya nina Katrina Mae Tolentino, Mary Joy Baron, Tyler-Marie Kalei Mau at iba pa.

Aalis ang koponan sa Lunes, Setyembre 27. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.