Abante Tonite Interactive

Macaraeg, Wahleithner bet ng bansa sa WYOG

170

Dalawang atletang tinedyer ang magiging pambato ng bansa sa 3rd Winter Youth Olympic Games 2020 sa Lausanne, Switzerland sa parating na Enero 9-22.

Sila ay sina Julian Macaraeg, 14, na kakasa sa short track speed skating at ang 16-anyos na si Ana Noelle Wahleithner na lalahok sa alpine skiing.

Nakapasok ang New York-based skater na si Macaraeg sa quadrennial sportsfest nang magpasikat sa International Skating Union Junior World Short Track Championships 2019 sa Montreal, Canada.

Ayon sa Ukrainian coach ni Macaraeg, naabot ng Pinoy ska­ter ang 42-segundo na qualifying time sa 500 meters bukod pa sa naging best Southeast Asian skater sa 500 at 1,000 meter qualifications.

Umentra naman si Wahleithner base sa kanyang natipong puntos sa iba’t ibang sinalihang FIS sanctioned races nakaraan ding taon.

Pinagpapatuloy niya ang kanyang trai­ning camp sa Switzerland buhat sa North America patungo sa aktuwal na kompetisyon na pagkaraan sa Lausanne. (Lito Oredo)