Abante Tonite Interactive

Macaraya suspendido ng 1 laban

215

Pinatawan si San Sebastian College coach Egay Macaraya ng one-game suspension dahil sa unsportsmanlike conduct sa timeout nila laban sa Lyceum of the Philippines University sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament first round eliminations may dalawang linggo na ang nakalipas.

Hinayag ng NCAA Management Committee (ManCom) ang parusa Martes ng hapon nang ma-review na ang tape sa banatang Golden Stags at Pirates nitong Hulyo 23.

Sa nilabas na NCAA statement, nahuli si Macaraya sa video sa timeout na sinasabihan ang kanyang mga bataan na hatawin ang kamay ni Lyceum center Mike Nzeusseu na lumiban ng ilang laro dahil sa hand injury.

“Macaraya was meted a 1 game suspension, he is also to make a public apology and community service,” nakasaad pa sa pahayag ng liga.

Sa pangunguna ni ManCom chairman Peter Cayco ng host Arellano University, kasama niya si NCAA basketball commissioner Tonichi Pujante sa paglabas ng hatol.

Magsisimula ang suspension ni Macaraya sa Biyernes laban ng Bate sa Emilio Aguinaldo College. (Elech Dawa)