Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Macario, Yadao una sa poomsae

0 99

Bumida sina Michael Christian Macario ng San Beda University at Krizelle Therese Yadao ng College of Saint Benilde sa virtual 96th National Collegiate Athletic Association men’s and women’s taekwondo poomsae freestyle Huwebes.

Dinale ni Macario ang men’s gold medal sa 7.033 points sa pagdaig kina Mikko Jeremi Bataoil ng Jose Rizal University na ang 6.367 sapat sa silver, at Justin Carl Dominic Nacua ng CSB na nag-bronze sa 5.600.

Umiskor naman si Yadao ng 6.900 para sa gold at sinalya sa silver si Shyenler Emelo Cedo ng JRU na may 6.167.

SM food to go Banner Ad

Si John Mcleary Ornido ng Emilio Aguinaldo College ang nanguna sa juniors sa 6.800 at pumangalawa si Raphael Ongkiko ng LSGH sa 6.700.

Sisimulan ngayong Biyernes ang taekwondo speed kicking. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.