Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Macau firm ilalarga sa Boracay resort

0 41

Kakausapin na ng Leisure & Results World Corporation ang Galaxy Entertainment Group Ltd. ng Macau para buhayin muli ang plano nitong magtayo ng $500 milyong casino resort sa Boracay.

Inihayag ito ng LRWC sa disclosure ng kompanya sa Philippine Stock Exchange (PSE) kaugnay na rin ng go-signal umano ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa casino operation sa Boracay.

Sabi ng kompanya, hindi pa nito nakakausap ang Galaxy sa ngayon.

SM food to go Banner Ad

Ang Galaxy ay isa sa mga nangungunang kompanya sa larangan ng sugal.

Sugal ang pinagkakakitaan ng LRWC na pinangungunahan ni Eusebio Tanco bilang chairman. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.