Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Macrohon pa-wow sa Move Challenge

0 268

Hindi naging hadlang para kay weightlifter Kristel Macrohon ang mag-aapat na buwan ng quarantine o lockdown dahil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) upang mapanatili pa rin ang pamatay niyang porma.

Ang 23-year-old, 5-foot-3 at Zamboanga City native hoister ang nagningning sa katatapos na four-day 2020 PH Olympic Day Move Challenge laban sa 24 na iba pa. Nasa first 25 winners muna siya bago nanguna sa top six sa patimpalak ng Philippine Olympic Committee (POC), POC Athletes Commission at ng Philippine Olympians Association (POA).

Niladlad ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 gold medalist sa two-minute creative video ang kanyang lakas sa sport o pagbabarbel na sumasalamin sa pagdiriwang ng Olympic movement.

Kasama niyang top 3 winner sa paligsahan noong June 23-26 sina pro cyclist Gerald Valdez at karate star Jamie Christine Lim. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.