Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madala kaya ang Meralco?

0 187

Kamakailan lang ay pinagmulta ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng P19 milyon ang Manila Electric Company (Meralco) dahil sa paglabag nito sa ilang patakataran ng komisyon kaugnay ng kanilang nakakagulat na singil sa kuryente.

Nabigo kasi malinawan ERC ang isyu hinggil sa tsambang pagpapataw nito ng singil sa kuryente sa consumers sapul pa noong simulan ang lockdown noong Marso hanggang ipatipad ang community quarantine noong Hunyo.

Tama lang naman ang hakbang ng ERC sa pamumuno ni Chairperson Agness Devanadera dahil nararapat lang na papanagutin at pagmultahin ang Meralco dahil sa sa kalituhang idinulot ng “bill shock” sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Biruin mo nga naman, nasa kasagsagan na tayo ng krisis pero heto’t sinamantala pa ng Meralco ang pandemya para makalamang sa kanilang milyong mga konsumer.

Kung tutuusin, napakaliit lang ng P19 milyon multa sa Meralco at tiyak hindi nila iindain yan. Barya lang yan, kumpara sa sa tinging ko’y daang milyong sobrang singil nito nito sa mga konsumer sa panahon ng pandemya

Sana nama’y matauhan na ang Meralco sa ipinataw sa kanilang multa ng ERC at lagi na silang tinututukan nito at hindi naming uubra ang anumang tangkang panglalamang ng mga ito kanilang mga konsumer.

Sana nama’y may natitira pang kahihiyan ang Meralco at kung ulitin pa nila muli ito, palagay ko hindi lang P19 milyon ang dapat ipataw na multa sa kanila kundi daang milyon na para naman madala ito. Ang tanong kasi, madala kaya ang Meralco kahit na pinagmutal siya? Pakiwari ko hindi.

Naalala ko sa ilang pagdinig ng Senado sa shock bill na ito ng Meralco. Mismong ang mga senador at hindi maintindihan ang kanilang paliwanag sa sobrang singil nila sapul nang mag-umpisa ang lockdown.

Biruin mo nga naman kasi, kahit na sabihin na malaki ang konsumer sa panahon ng summer, hindi naman siguro mati-triple ang kanilang bills. Yung iba nga quadruple pa ang itiniis bahay na nagpa-shock sa mga konsumer. Literal na ‘shock bill’ talaga ang bumuluga sa mga konsumer.

Kahit nga si Senador Win Gatchalian ay nagulat nang magkaroon siya ng bill sa kanyang condominium gayong hindi naman niya ito nagamit nang ilang buwan.

Pero anumang inilatag na paliwanag ng Meralco sa kanilang ‘schock bill’ hindi pa rin ma-gets ng mga senador at lalo ng publiko kung paano sila nagkaroon ng ganoong kataasan na bill. Pakiramdam ng lahat, tsinambahan lang talaga ng Meralco ang kanilang pagtantiya sa bill sa panahon ng lockdown kung saan hindi nakapagbasa ng metro ang Meralco.

Alam naman kasi ng tao ang average nilang konsumo lalo na sa panahon ng lockdown. Tanggap naman nila na tataas ang kanilang bill pero dapat naman sana ma-justify ng Meralco ang kanilang computation sa kanilang bil. Ang lumabas kasi talagang nagkaroon ng electric shock sa singil at hirap ang Meralco na maipaliwanag ‘yan.

Kaya nga ganoon na lang galit ng tao sa Meralco at salamat naman at pinakinggan ng ERC ang daing ng taumbayan na naghihikasos sa panahon ng pandemya.

Sabi nga ni Senadora Imeer Marcos, nawala na ng gtrabaho ang karamihan, wala na ring makain dahil sa lockdown at eto nadale pa nang nakagugulat na tripleng bayarin sa kuryente nang walang basehan kundi dahil lang sa estimated bills noong Abril at Mayo.

Kudos sa ERC dahil sa wakas inaksiyonan nila ang reklamo gn taumbayan. Nakakatfuwa ito kahit paapaano gagaan ang pasanin ng ating mga kababayan dahil malinaw na may nalabag na batas ang Meralco. Sana naman huwag na itong ulitin ng Meralco. Wish ko lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.