Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madalas na test ikakasa ng PBA

0 182

Mas madalas na testing ang ikakasa ng PBA kapag nagsimula na ang ensayo matapos payagan ng IATF ang liga na makapag-scrimmages sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ o MGCQ.

Puwede nang magsimula sa May 18 ang 5-on-5.

“Magandang balita, pinayagan na tayo mag-scrimmage, practices. ‘Di lang natin alam kung saan,” ani commissioner Willie Marcial Biyernes ng hapon. “NCR ba, Batangas ba, o sa Antipolo? ‘Yun ang liliwanagin namin.”

Dati ay five days bago mag-practice ang schedule ng swab testing.

“Ngayon seven days before practice, swab ka. Two days before practice, test ka at naka-isolate ka rin,” paliwanag ng PBA chief. “Dati every 14 days ang swab testing natin, ngayon every 10 days na.”

Nasa Batangas City si Marcial kahapon kausap sina Mayor Beverley Dimacuha at Rep. Marvey Marino.

May guidelines na prinisinta ang Batangas City, meron din ang PBA.(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.