Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madaluyong LGU: Abo ng kamag-anak pwede hiramin

0 51

Nilinaw ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na maaari namang hiramin ang urn ng namayapang mahal sa buhay na kung saan ay matagal nang ginagawa sa siyudad at dahil na rin sa pagsasara ng mga sementeryo sa Undas.

Una nang sinabi ng alkalde na pansamantalang isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 para maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw sa mga puntod.

Kabilang umanot ito sa pag-iwas na magkahawaan ng COVID-19 dahil sa pagdagsa ng mga dadalaw sa puntod, kung saan kadalasang nagkakaroon ng family reunion. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.