Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madam Auring pumanaw na

0 102

NI: VINIA VIVAR

Pumanaw na ang sikat na manghuhulang si Aurea Erfelo na mas lalong kilala sa tawag na Madam Auring sa edad na 80. Kinumpirma ng kanyang apo ang malungkot na balita kahapon, Friday, Oct. 30.

Sa madamdaming post ni Daryl Simon sa kanyang Facebook account ay nagbigay siya ng tribute at paggunita sa kanyang lola.

“#RestInPeace my Lola. Few days ago binisita kita, magkausap lang tayo, dinalhan kita ng mga pasalubong at mga pangangailangan mo, lubos ka nagalak.

“Grabe ang pinagdaanan mo during your senior years pero you still worked hard for your family (us) i feel sad and happy.

“Sad kasi i will never see you again, mga wisdom words mo, korni jokes, happy bondings, and pagkurot sa aking pisngi hanggang mamula.

“Happy ako kasi you have done everything you could to make us feel loved the way you know how, your struggles are over. You fought your battles silently. Magkikita na kayo ni Mama sa kabilang buhay.

“You shall always be in our hearts. Love you,” ang caption ni Daryl kasama ang larawan nila ng kanyang lola.

As we write ay wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ni Madam Auring tungkol sa detalye ng pagyao nito.

Sinasabing si Madam Auring ang nakahula ng pagkakapanalo ni Amparo Munoz sa Miss Universe pageant in 1974 at ang tagumpay ni Muhammad Ali against Joe Frazier sa Thrilla in Manila fight in 1975.

Leave A Reply

Your email address will not be published.