Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madam Inutz niregaluhan ng bahay, lupa ni Wilbert

0 99

MILDRED A.BACUD: Kahit ano pa ang maging kapalaran ni Madam Inutz sa PBB ay may bahay na siya courtesy of her manager Wilbert Tolentino. Bongga naman.

Pero sa palagay ko mga ka- Cuatros malaki ang laban ni Daisy Lopez sa loob ng bahay ni Kuya.

Ilang araw pa lamang kasi siya mula nang pumasok ay nagti-trending lalo na ang mga batuhan nila ni Brenda Mage.

Sa social media nga ang kadalasang mga komento ay nakakatuwa raw si Madam Inutz.

Sabi pa ng isang netizen, may susunod na raw na Pokwang. Hindi raw pilit ang pagpapatawa nito. Hirit pa ng isang netizen, “Ngayon na lang ako ulit interesadong manood ng PBB dahil kay Madam Inutz. Hindi pilit ang pagpapatawa niya. Halatang hindi scripted. ” Komento pa ng isa , ” Malamang pati si kuya at mga staff ng PBB ay natatawa kay Madam Inutz.”

Masasabi kong good decision para kay Wilbert na ipasok sa bahay ni Kuya ang alaga. Iba rin talaga kasi ang may exposure sa telebisyon lalong lalo na kapag may suporta ng isang network.

Masuwerte talaga si Daisy na bukod sa pagkanta, malamang paglabas ng bahay ni Kuya ay posibleng pasukin na rin ang pag-arte.

RODEL FERNANDO: Bongga talaga ang itinatakbo ng career ngayon ni Madam Inutz.

Todo alaga siya ng kanyang manager, ang former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist na si Wilbert Tolentino.

Ang kanyang single na ‘Inutil’ ay pinag-uusapan na at talaga namang marami ang nagkakagusto. Bukod dito ay nag-record na rin siya ng kanyang second single entitled ‘Sangkap ng Pasko.’

Kung novelty ang unang kanta niya, ballad naman itong bagong awitin niya.

Tumatagos sa puso ang mensahe ng kanyang Christmas song. Marami ang makare-relate mula sa isang mahirap na tao na gaya ni Madam Inutz na ang sangkap ng Pasko ay pamilya. Kay sarap ng feeling na sama-sama sa pagdiriwang nito.

Samantala, napakasuwerte rin siya dahil binigyan din siya ng bahay ni Wilbert sa Bulacan. Malaki rin ito at magiging komportable ang kanyang pamilya. Malaking biyaya talaga kay Madam Inutz ang bagong manager. Talagang tinotoo niya na babaguhin niya ang buhay ng sikat na social media personality na ngayon ay nasa PBB pa.

ROMMEL PLACENTE: True, napakasuwerte naman ni Madam Inutz mga ka-Cuatros na nagkaroon siya ng manager na tulad ni Sir Wilbert .

Bago kasi siya nag-hotel quarantine para sa pagpasok niya sa PBB house ay binigyan siya ni Sir Wil ng house and lot nu’ng October 5. 88 square meter ito pero ang floor area niya ay 55 square meter.

Kailangan pa itong bakuran kaya pagagandahin nila ito habang nasa PBB house ang dalaga. Dalawang palapag siya pero balak ni Sir Wil na gawing third floor para matirhan ng buong pamilya ni Madam Inutz. Puwede rin itong lagyan ng tindahan.

Ang pinalabas ni Sir Wilbert kay Madam Inutz ay magkikita sila dahil may papipirmahan umano siya ritong kontrata para sa bago niyang endorsement. Nagulat si Madam Inutz na wala naman pala siyang kontratang pipirmahan kundi may sorpresang naghihintay pala sa kanya, ito ngang bahay at lupa.

Naiyak si Madam Inutz sa sorpresang ‘yun sa kanya. Sabi niya ay talagang pangarap niya na magkaroon ng house and lot. Sigurado raw na matutuwa ang kanyang ina.

“Huwag ka na umiyak.Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” sabi naman ni Sir Wilbert na kilala na rin bilang Kuya Wil II.

Ayon kay Sir Wilbert, motivation gift daw ang regalo niyang ‘yun kay Madam Inutz para pagbutihan nito ang laban niya sa PBB at manalo ito.

ROLDAN CASTRO: Oh jiiiEVA, mistulang anghel talaga si Sir Wilbert kay Madam Inutz.

Kahit ang mga humusga sa kanya bilang manager ay masaya ngayon sa mga nagawa niya sa career ng kanyang alaga.

Iba si Kuya Wil! Kung ang mga manager ang binibigyan ng bahay ng mga artista, kabaligtaran ngayon.. ang manager ang nagbigay ng bahay at lupa sa talent.

Naku, mukhang pipila na ang gustong magpa-manage kay Sir Wil dahil paboloso siya sa alaga.

Mabuhay ka Sir Wilbert!

Anyway para sa mga inquiries at product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL / 09175468845 o email sa DLINUTIL@GMAIL.COM.

Mapapanood ang buong detalye ng regalo sa bahay niya sa:

Lumabas na rin ang official music video ng ‘Sangkap ng Pasko’ sa YouTube Channel na Daisy Lopez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.