Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madam Inutz opisyal housemate ng PBB

0 77

Nagsimula na ang inaabangang “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” Celebrity Edition. Ipinakilala ni Kuya ang mga napiling celebrity housemates simula nu’ng Oktubre 6.

Inilantad na ang unang tatlong opisyal na housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 (Celebrity Edition).

Una ay si Alyssa Valdez, ang heartstrong phenom ng Batangas.

Pangalawa ay si KD Estrada, ang musical wonder boy ng Paranaque.

Pangatlong pasok ay si Madam Inutz (Daisy Lopez Cabantog), ang mama-bentang live seller ng Cavite.

“Sanay tayo sa hirap kaya alam kong kakayanin ko ito,” deklara niya sa mga challenges na pagdaraanan niya sa PBB house.

Hinuhulaan na malakas ang laban ni Madam Inutz dahil marami itong followers, nakakaaliw magsalita, makulay, nakakaiyak at inspiring ang buhay.

Siya ay kilala sa expression na “Ojiiivaaa?!” . Nakapukaw ng atensyon sa pagsasabi ng ‘inutil’ na titulo rin ng deebut single niya.

May 2 million likes siya sa Facebook, Instagram: 280,000 followers at YouTube: 816,000 subscribers.

Congrats Sir Wilbert Tolentino dahil pasok ang alaga mo!

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes.

May weekend show rin na “PBB Kumulitan” ni “PBB” alumnus Sky Quizon kasama sina “PBB Connect” alumni Amanda Zamora, at Ella Cayabyab.

Leave A Reply

Your email address will not be published.