Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madam Inutz, Wilbert type papakin si Ian

0 55

NI: NONIE NICASIO

Masaya ang naging tsikahan namin last Friday sa online show na ‘Tonite L na L’ ni katotong Roldan Castro.

Special guests dito ang dalawang social media star na sina Wilbert Tolentino at Madam Inutz.

Nalaman namin na si Sir Wil pala mismo ang personal na nag-asikaso sa music video ng ‘Inutil’ at concept niya ito. Ang ‘Inutil’ ang first single ng mina-manage niyang si Madam Inutz.

“Yes po, actually ako po ang nag-prepare ng lahat ng productions po. Naghanap ako ng team ng lahat nang nakatrabaho ko na, mula sa director, sa prod, sa stylist, make-up artist, hairstylist, lahat po. Mula sa music na ang nag-compose ay si Ryan Soto na matagal ko nang ka-tandem sa entertainment industry.

“Talagang pinaghandaan po namin ang music video dahil debut single niya ito at kailangang tumatak talaga sa masa,” deklara ni Kuya Wil.

Kailan niya nalaman na marunong palang kumanta si Madam Inutz? “Actually, bago siya nagpa-handle sa akin bilang talent manager niya, tinanong ko muna kung ano ang pinaka-talent niya, doon lang ako humnugot para i-groom si Madam Inutz. Deserve niyang tulungan, hindi lang siya nabigyan ng break,

“Matagal na siyang hindi kumakanta at need niya na ibalik iyon, kasi noong narinig ko ang boses niya noong kabataan niya, sobrang ganda.”

Nabanggit din ni Sir Wil na sobrang happy siya sa magandang pagtanggap sa ‘Inutil’.

“Sobrang priceless ang pagtanggap ng publiko sa single ni Madam Inutz, bukod sa puro positive ang feedback, malapit nang ma-reach ang 1 million views for one week, not bad as a starter.
“Kaya na-motivate kaming gumawa ng Christmas song naman niya. ‘Sangkap ng Pasko’ ang title. Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy.Sobrang makaka-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay pagmamahal sa pamilya.”

Ano ang kasalanan na magagalit siya kapag nagawa ni Madam Inutz sa kanya?

Wika ni Sir Wil, “Actually, napag-usapan na naman namin iyan, sabi ko, ‘ Pag-awayan na natin ang lahat or mag-clash na tayo ng idea, huwag lang nating pag-awayan ang lalaki at pera.’ Iyon ang magiging mortal sin niya sa akin, kapag inagawan niya ako ng booking, charot! Hahahaha!”

Paano naman idi-describe ni Madam Inutz ang mga nagaganap na pagbabago ngayon sa kanyang buhay sa tulong ng manager niya?

“Marami po kasi, katulad niyan na since tinulungan ako ni Sir Wilbert ay napapa-therapy ko na si nanay at maraming opportunity at blessings ang dumarating sa akin ngayon,”tugon niya.

Sa mga kinikita niya ngayon, ano ang dream niyang mabili para sa sarili at sa kanyang pamilya? “Unang-una po siyempre ay ang bahay at saka edukasyon ng mga anak ko at makabalik po si nanay sa dati, iyon po ang gusto kong mangyari.

“So far po ngayon, talagang lahat ng kinikita ko ay itinatabi ko sa banko.Hindi rin naman kasi ako maluhong tao, kaya masasabi ko na ang iniipon kong iyon ay para sa pamilya ko… kina nanay, tatay, at sa mga anak ko.”

Tinanong din si Madam Inutz kung sino ang artistang gusto niyang tikman, kung sakali? “Iyong yummy talaga? Siyempre si Ian Veneracion, hahahaha!”

Hirit naman ni Sir Wil, “Tito hindi ba… akin iyang si Ian Veneracion, tapos kukunin niya?”

“Ay sorry! Kay Sir Wilbert nga pala iyon, hahaha! Kasi si Ian, guwapo pa rin siya, matipuno pa rin… doon mo talaga makikita ‘yong tunay na sarap! Hahaha! Pero sige, magpapaubaya na ako, hahaha,”sambit naman ni Madam Inutz na tumatawa.

Pagdating sa fast talk segment ng Tonite L na L, palaban din sina Sir Wil at Madam Inutz dahil bago natapos ang show, natanong sila ukol sa kanilang favorite sexual position?

“Dog style! Hahaha! Sagot ni Madam Inutz.

Wika naman ni Sir Wil, “88!”

Mayroon bang ganoon? “Yes, I ate you, you ate me,” nakatawang wika pa ng kilalang businessman, former Mr. Gay World titlist, at philanthropist.

Para sa Inquiries & Product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM

Leave A Reply

Your email address will not be published.