Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madatung! LeBron bumili ng ika-3 mansiyon

0 261

May dalawang mansion na si NBA star LeBron James sa Los Angeles, bumili pa ng pangatlo.

Ayon sa ulat ng The Real Deal noong Huwebes, bibilhin na ng Lakers star ang 13,000-square-foot mansion sa Beverly Hills na pag-aari ni soap opera legend Lee Phillip Bell.

Si Bell ang co-creator ng The Bold and the Beautiful at The Young and the Restless.

Unang nakalista na binebenta sa halagang $39M ang property pero hindi kinumpirma kung magkano bibilhin ni LeBron.

Ilan sa amenities ng mansion ang pitong fireplaces, screening room, lighted tennis court at pool house na may dalawang bathrooms.

Sa larawang pinost ni business reporter Darren Rovell, makikita pa ang skylights at indoor fountains ng mansion, at glass sliders na kapag binukas ay kita nang buong buo ang lungsod.

May bahay rin si James sa kalapit na Brentwood, binili ng $21M tatlong taon bago pa siya lumipat ng Lakers noong 2018.

Ang pangalawa ay binili noong 2017, ang $23M mansion na may eight bedrooms at 11 bathrooms, may home theater, wine cellar, cigar room kumpleto sa air-purifying technology, at onyx bar. Meron pa itong professional indoor/outdoor gym na tagusan sa spa, may steam room, sauna, shower at massage room. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.