Abante Tonite Interactive

Madayag, Lady Eagles dadagitin ang titulo

427

Game 3 Finals ngayon:
(Mall of Asia Arena)
3:00pm — Ateneo vs UST
(Series tied 1-1)

Buong tapang na susunggaban ni Se­cond Best Middle Blocke­r Madeleine Yrenea ‘Maddie’ Madayag at ng Ateneo de Manila University Lady Eagles ang kampeonato sa Game 3 finals ng UAAP season 81 women’s volleyball tournament laban sa karibal na Univesity of Santo Tomas Golden Tigresses ngayong alas-tres ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Nakapuwersa ang Loyola Heights-based squad ng do-or-die match nang manalo kontra Uste via 4 set nitong Miyerkoles.

‘Di pumayag si graduating blocker Madayag, may 17 puntos, 10 mula sa atake, apat sa blocks at tatlong service aces, na umuwing luhaan nung araw na ‘yun.

“Well, of course, pumapasok talaga sa isip namin na it might be our last. But then kino-cross out namin ‘yun agad kasi of course, lalaban talaga kami. We’re not gonna go down without a fight,” giit ng 5-foot-11 volleybelle.

“That’s what we all told each other and that’s what we ask the Lord. Kasi what we talke­d about was binigay na ni Lord sa amin, we only need to grab the opportunity,” wakas ni Madayag.

Nakatulong sa depensa ng Ateneo si libero Danielle Theris ‘Dani’ Ravena, na may 12 receptions at 22 excellent digs, tinapatan ang matitinding palo mula sa mga balibolista ng España.

“Teamwork lang, wala namang makakatalo sa amin if we play happy and if we follow what Coach O (Oliver Almadro) wants us to do,” wika ni Ra­vena. (Janiel Abby Toralba)