Abante Tonite Interactive

Mader Sitang feelingera

By
0 1,575
tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Amazing aloha at may shookt factor sa diva that you love ang chikang ang flash in the pan na si Mader Sitang, may pangmalakasang demands sa isang business person na gusto siyang papirmahin ng ng limang-taong managerial contract.
Ayon sa balita, ang manager at buong team nito ay nasa Thailand kamakailan, gustong makasama si Mader sa hapunan at mapirma­han ang dapat pirmahan.
Kaso, may drama ang dancing here, there and everywhere na money makes the world go round. Kailangan niya nga ba agad ng 19.5M Baht (katumbas ng P31.3M) bago ang contract signing?
Ang paglalaanan nga ba nito ay 9.5M Baht (katumbas ng P15.3M) para sa bahay, opisina & mini-warehouse, plus 10M Baht (katumbas ng P16M) para sa iba pang gastusin?
Dagdag impormasyon pa sa balita, sinalubong naman ni Mader Sitang sa airport ang Philippine contingent. Nang malaman nitong walang dalang datung ang dapat niyang ma­ging manager agad-agad, gone with the wind and gone in 60 seconds ang the WHO no more.
And the plot thickens, and how? May katotohanan nga kayang ang naunsyaming manager, gustong ipadeklarang persona non grata si Mader Sitang sa Pilipinas para hindi na muli ito makatuntong dito?
How true na ang luhaang manager ay gumastos na para sa isang product line na dapat ay ibebenta online at may promise of a new day na all ear­nings eh will go direct to cha­rity?
Ano kaya ang patutunguhan dito? May mga aral ba tayong makukuha sa gusot at lukot na ito? Sino ang mas maapektuhan at malulugmok?
Parang hindi naman bothe­red si Mader Sitang sa kaganapan. Matapos ang maghiwalay ang de-kolor at puti niya sa manager niya, biglang bumulaga ang isang bidyo kung saan may kahalikan siyang hombre.
Ba’t kaya pag si Mader Sitang ang may kahalikang hombre, parang mas rimarim ang nadarama with mat­ching pagdadabog ng bangs kesa libog o paghanga? Juice colo­red!
Feelingera naman pala itong si Mader Sitang. Kasi naman binigyang ilusyon na she is a major, major force as an entertaining figure kaya ayan, you have created a monster na ang beauty and charms ay debatable.
Move forward na agad-agad, ‘yan ang masasabi ko sa ma­nager. Marami pang lady boys, transgenders or transwomen na biglang bobongga at magpaparamdam sa world wide web. Nawa’y mas ma­ging pihikan ang iyong panlasa sa muling pipiliin mong ipakilala sa balana, dabarkads at madlang pipol para hindi na maulit muli ang karanasang ito.
Hayaan na muna natin si Mader Sitang sa bansa niya. Iyun naman talaga ang kanyang playground.

Anak ng female singer inatake ng depresyon

Pahulaan ngayon at causing much worry ang isang blind item post sa isang social networking site.  Ang nasabing post ay tungkol sa isang young actor, na ang tanging clue lang ay belonging to a showbiz family na nag-suicide attempt.
Dahil kaibigan ko ang nag-post, nag-private message ako sa kinauukulan para i-verify ang kanyang sinulat at tinanong ko kung sino ang kanyang subject matter. Simula kagabi, hanggang sa tinitipa ko ito, wala siyang reply. Nauunawaan ko naman ang ‘di niya pagtugon. A young person who tried to commit suicide is indeed a grave matter.
Kung meron man, sana naagapan at sa paggaling ng kanyang mga sugat, may kasama na itong psychological counseling.
Dahil sa blind item na alala ko tuloy ang kuwento ng isang mahusay na singer na inilahad sa isang konsiyerto na ang kanyang anak ay nagka-depression. Ang dahilan, ang hiwalayan niya with her ex-husband.
Ang sharing niya stems from the fact na maraming mga magulang ang hindi aware na ang mga anak nila ay undergoing depression.
Ang singer rin na perfect combination of professional help and the power of prayers ang nakatulong kaya naging maayos muli ang kanyang kaisa-isang anak.
Let us pray for the young na they won’t waste their youth. Let us pray for all of us na mas maging compassionate tayo and hindi lang sa salita dapat ang pagmamahal at pang-unawa.