Abante Tonite Interactive

Madir feeling byuti ang anak

462

Hello po sa inyong lahat. Iba talaga ang ina kapag sumuporta sa anak. Tulad ng isang kapitbahay ko na super duper kung ipakita ang pagha­nga sa kanyang anak na babae. Para ngang beauty product kung i-promote ang anak na dalagita. Ngayon ay ipinamamalita na nga niyang isasali niya sa Santacruzan ang iha niya. Ilang buwan na nga raw niyang pinaghahandaan ang gayak ng anak. Lagi rin daw niyang kinukulit ang mister niya na nagtatrabaho sa Maynila para gawing espesyal ang isusuot ng anak nila. Kahit nga sa mga beauty contest ay talagang pinipilit niyang isali ang dear daughter niya.

Talagang sobrang pinapalakas niya ang loob ng bata na maganda ito at angat na angat sa iba.

Well, as for me, hindi naman talaga kagandahan iyung bata. Napakaordinaryo ng beauty niya, kamukha nga ni Chuckie ‘yung nakakatakot. ‘Yung height 5’3” lang naman at hindi rin naman maputi at makinis.

But in fairness, may utak naman siya at nag-e-excel nga raw sa klase. Pero sa beauty raw ng bata siya hangang-hanga. Kuhang-kuha raw nito ang ganda niya nu’ng dalaga pa siya. Talaga lang ha?

Ang inyong kapitbahay,
Linda of La Loma, QC