Abante Tonite Interactive

Madre nadilaan ng apoy sa nasunog na kumbento

0 185

Nagtamo ng sugat, pasa at lapnos sa katawan ang isang madre at isang fire volunteer makaraang masunog ang isang kumbento sa Quezon City kahapon nang madaling-araw.

Ang madre ay kinila­lang si Sis. Bernadeth Albuquiet. Ang fire volunteer naman na nagtamo ng minor injury ay hindi na tinukoy ang pangalan.

Sa inisyal na report kay Quezon City Fire Chief Insp. Gilbert Valdez, ang sunog ay naganap dakong alas-12:05 nang madaling-araw (Abril 13) sa ikalawang palapag ng Saint Anne Convent sa Dama De Noche cor. Betty Go St., Brgy. Mariana, QC.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Chief Insp. Valdez, luma na ang ‘main structure’ kaya mabilis na gumapang at kumalat ang apoy sa buong gusali.

Naapula ang apoy bandang ala-1:30 nang madaling-araw.

‘Electrical short circuit’ ang tinitingnang sanhi ng sunog. (Dolly Cabreza)