Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madreng namatay sa COVID, 10 na

0 85

Umabot na sa 10 ang bilang ng mga madre ang namatay dahil sa COVID-19 sa Congregation of the Religious of The Virgin Mary (RVM Sisters) sa Quezon City, nitong Sabado.

Ayon sa tagapagsalita ng RVM na si Sister Ma. Anica Co, kinumpirma niya na isa pang madre na miyembro ng RVM ang binawian na rin ng buhay nitong Sabado, matapos dapuan ng virus.

Nabatid na ang naturang mga madre ay kabilang sa 62 RVM sisters na dinapuan ng respiratory illness kamakailan. Mayroon ding 52 lay personnel nila ang na-COVID ngunit papagaling na umano ang mga ito.

Kaugnay nito, sinabi ni Co, na halos 20% pa ng mga madreng dinapuan ng virus ang kritikal.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Co na hindi sa RVM Sister galing ang isang solicitation letter na kumakalat ngayon sa social media.

Noong Huwebes, una nang kinumpirma ni Co na umaabot na sa siyam na madre nila na nasa edad 79-

98 at pawang may comorbidities, ang namatay dahil sa COVID-19. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.