Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madsen patay sa Pacific Ocean

0 225

NAMATAY si three-time Paralympian rower Angela Madsen, 60, habang tinatangkang mag-isang tawirin ang Pacific Ocean, ayon sa ulat ng Long Beach Press-Telegram.

Tangka raw ni Madsen na maging unang paraplegic, unang openly gay athlete at oldest woman na sasagwan patawid ng Pacific Ocean.

Gamit ang 20-foot rowboat, nagsimula raw siyang maglayag mula Marina Del Rey sa Los Angeles noong April at misyong makarating ng Honolulu sa loob ng apat na buwan.

Na-recover na raw ng Coast Guard ang bangkay, pero hindi sinabi kung ano ang ikinamatay. Linggo raw ay hindi na sumasagot si Madsen sa messages ng asawang si Deb.

Naging paraplegic si Madsen noong 1980 nang pumalya ang operasyon ng spinal injury na nakuha habang naglalaro ng basketball noong miyembro pa ng Marine Corps.

Hindi raw sinagot ng US military ang medical bills at naging homeless si Madsen. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.