Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Madugong diarrhea kumakalat sa Calabarzon

0 474

Pinag-iingat ni DOH–Calabarzon regional director Eduardo Janairo ang publiko kaugnay sa mga kaso ng ‘acute bloody diarrhea’ na naitatala sa ilang lalawigan sa rehiyon.

Mino-monitor na aniya ang mga kaso ng nasabing sakit upang maiwasan ang patuloy pang pagdami nito.

“The regional office is continuing its disease surveillance and is directly in contact with the local health officials in the provinces. Hindi dapat balewalain ang diarrhea dahil ito ay nakamamatay kung ito ay napabayaan at hindi agad nabigyan ng lunas.”

Ayon kay Janairo, ang diarrhea ay karaniwang sakit sa tag-init at ang mga sintomas nito ay pananakit ng tiyan, dehydration, at watery stool o hindi buong dumi. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.