Abante Tonite Interactive

Maelyang basketball player, namulubi

By
689

Dating madalas na nagsasawa sa malayaw na buhay ang isang manlalaro sa propesyonal na liga.

Dahil sa malaki nitong sahod, nasusunod lagi niya ang layaw na tumambay sa mga mamahaling bar sa Metro Manila gabi-gabi at nakakilala ng iba’t ibang babae na madalas niya makursunadahan at kinakama.

Matagal ding namayagpag ang dating basketbolistang ito bago na lang unti-unting nagpalipat-lipat ng iba’t ibang koponan hanggang sa tuluyang wala nang kumuha sa kanyang serbisyo.

Hindi nasanay sa kanyang panibagong pamumuhay si player kaya madalas na lamang ito na napagkikitang kasama ng iba’t ibang mga dating kabarkada sa mga lakaran.

Pero ang pinakahuling nangyari kay cager ay nasangkot ito at nakasama sa mga nadampot sa isang buy-bust operation.