Abante Tonite Interactive

Maeng Yuna yumao na

314

tonite-annyeong-rose-garciaMaagang pumanaw ang South Korean singer/songwriter na si Maeng Yuna. Twenty-nine years old pa lang ito. Atake sa puso ang itinuturong dahilan.

Ibinalita lang ng kanyang agency, ang JH Entertainment ang naging pagpanaw ng singer/songwriter noong January 8, pero noong December 26 pa raw ito natagpuang patay sa kanyang bahay.

Base sa impormasyon na inilabas ng kanyang agency, naghahanda raw sana ito para sa kanyang comeback ngayong June 29.

Ayon sa JH Entertainment, “On December 26, Maeng Yuna was found deceased at her home due to a heart attack.

“Because it was the end of the year and everything was hectic, we did not have the time to announce the news. Instead, we held a small funeral for her with her closest friends.

“She was preparing for her third studio album and was recently invited to give a lecture at a college. She seemed very eager to live. Aside from the stress she received from producing music, she did not have any other particular disease. We cannot believe it.”

Nag-debut si Yuna noong 2007 at kumanta ng OST ng drama na “Spring Waltz” na pinagbidahan nina Han Hyo Joo at Seo Do Young.

Dahil dito, binigyan siya ng label bilang “Suzanne Vega of South Korea.” Kinilala rin bilang isa sa mga prominenteng indie singer/songwriter.

Walang malinaw na balita kung single pa rin ba si Yuna nang pumanaw.