Abante Tonite Interactive

Maepal na mambabatas galit sa mga daldalerong opisyal

306

Galit daw ang isang mambabatas sa mga sumasawsaw sa isyu ng banggaan sa West Philippine Sea.

Giit ng mam-babatas, ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense lang ang dapat magsalita sa nasabing isyu.

Kapag marami daw ang nagsasalitang opisyal ng gobyerno, hindi sila nagkakatugma ng posisyon kaya nababanatan sa social media.

Pero habang sinasabihan ang ibang opisyal na manahimik, itong mambabatas ay panay naman ang sawsaw sa nasabing usapin, tila nakalimutan ang banat niya sa mga daldalerong opisyal ng gobyerno.

Clue. Ang maepal na mambabatas na galit sa mga daldalerong opisyal ay kilalang pikon din at may letrang D sa kanyang pangalan.